
Sa unang linggo pa ng Enero 2026 mapipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang 2026 national budget.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, kailangan munang suriin nang mabuti ng Pangulo ang nilalaman ng budget bago ito pirmahan.
Hindi naman aniya maaapektuhan ang operasyon ng gobyerno kahit magkaroon ng isang linggong reenacted budget, at mas mahalaga ang maingat na pagrepaso para maipatupad ito nang tama.
Inaasahang sanang mapipirmahan ang budget sa December 29, ngunit naantala ito dahil humaba ang talakayan sa bicameral conference committee.
Nauna na ring sinabi ng Palasyo na walang holiday break at hindi tutulugan ng pangulo ang pag-aaral sa enrolled bill para masigurong malinis at walang anomalya sa 2026 budget.
Facebook Comments









