
Nilinaw ni House of Representatives Spokesperson Atty. Princess Abante na hindi pisikal na ibabalik ng Kamara sa Department of Budget and Management (DBM) ang buong 2026 National Expenditure Program o NEP.
Ayon kay Abante, ang mensahe ng mga lider ng iba’t ibang partido sa Kamara ay paghahayag ng ‘general sentiment’ matapos nilang matuklasan ang sangkaterbang insertions sa proposed 2026 budget tulad ng mga proyektong tapos na pero pinondohan pa.
Paliwanag ni Abante, ang tinutukoy ng party leaders ay hindi ‘physical return’, kundi panawagan na i-revisit, i-review, o pag-aralang mabuti at itama ang mga mali at iregular entries sa budget.
Binanggit ni Abante, maaring itama ang nilalaman ng 2026 NEP sa pamamagitan ng masinsinang pagbusisi ng Kamara kung saan ang kaukulang ahensya mismo at DBM ang magtama ng mga pagkakamali sa budget.









