
Inirekomenda ni Senator Panfilo Lacson sa Senado na i-adopt o ipasa ang buong National Expenditure Program (NEP) para sa 2026 national budget.
Ito ang eksperimento na inirekomenda ni Lacson na gawin ng Mataas na Kapulungan para maiwasang maulit ang pagsisingit at realignments sa pambansang budget na naging resulta ng katiwalian sa mga proyekto.
Sa panukala ng senador, buong aaprubahan ng Senado ang 2026 NEP sa paniniwalang ang pambansang pondo ay dumaan sa masusing pagsusuri ng Ehekutibo.
Sinabi ni Lacson na sakaling magkaproblema sa implementasyon ng mga proyekto sa 2026 budget, ang sisi at babalikan dito ay ang executive department at labas dito ang Senado.
Ikinukunsidera ni Lacson ang pagmosyon na tuluyang i-adopt ang NEP sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa briefing sa Setyembre at sakaling hindi maging matagumpay ang naturang experiment ay babalik ulit sila sa realignment.









