Umarangkada na sa Dagupan City, Pangasinan ang 2026 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) Region 1 sa pamamagitan ng opening ceremony na isinagawa kahapon, Pebrero 16.
Pinangunahan ito ng Department of Science and Technology (DOST) katuwang ang Local Government ng Dagupan City bilang host, at iba’t ibang unibersidad na sumusuporta sa inobasyon.
Dinaluhan rin ito ng mga kawani mula sa iba’t ibang LGUs sa rehiyon.
Tatlong araw na isasagawa ang aktibidad na tampok ang iba’t ibang lokal na inobasyon, community-based technologies, at research-driven solutions na makikinabang ang komunidad.
Kasama sa programa ang technology exhibits kung saan ipinapakita ang mga lokal na teknolohiyang makatutulong sa komunidad.
May interactive exhibits din sa unang araw, kabilang ang Earthquake simulation, Flood simulation, at Planetarium, na maaaring subukan ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang kahalagahan ng pagpapaliwanag sa komunidad kung paano nakatutulong ang inobasyon para sa kaginhawaan at pangkaligtasang dahilan.
Hanggang bukas, Pebrero 18, 2026, isasagawa ang iba pang aktibidad tulad ng Robotech Cup at ang paglulunsad ng iHub sa isang polytechnic college sa Lingayen.










