Cauayan City, Isabela- Nadagdagan muli ng 204 na panibagong kaso ng COVID-19 ang bilang ng kumpirmadong kaso na naitala sa Lalawigan ng Isabela.
Sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Lunes August 23, 2021, sumipa sa 1,859 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID sa probinsya sa kabila ng paggaling ng limampu’t siyam (59) na pasyente.
Nakapagtala din ang probinsya ng anim (6) na bagong kaso ng namatay sa COVID na nagdadala sa kabuuang bilang na 954 related deaths.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 31, 449 total cumulative cases ang Isabela kung saan ang 28, 636 sa mga ito ay ‘fully recovered’ na.
Kaugnay nito, numero uno pa rin ngayon ang Lungsod ng Cauayan sa buong probinsya sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso na umaabot sa 204; sumunod ang bayan ng Tumauini na may 178 at pangatlo ang Lungsod ng Ilagan na may 117 total active cases.