Timbog ang isang lalaki sa ikinasang search warrant ng awtoridad sa Brgy. Arwas, Bani,Pangasinan.
Kinilala ang suspek na isang 33 anyos na residente sa lugar.
Nasamsam ng awtoridad ang nasa 33 gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa labing apat na plastic sachet at tinatayang nagkakahalaga ng P204,000.
Nasa kustodiya na ng awtoridad suspek na haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









