Inabisuhan ng Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau (DENR – MGB) ang mga lugar sa Ilocos Region sa posibleng banta ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa pag-uulan na dulot ng habagat.
Sa lalawigan ng Ilocos Sur, 205 na mga barangay ang kabilang sa posibleng makaranas ng mga nasabing epekto.
29 barangay sa Bantay, 17 sa Caoayan, 12 sa Nagbukel, 34 sa Narvacan, 13 sa San Ildefonso, 7 sa San Vicente, 26 sa Santa, 9 sa Sta. Catalina, 20 sa Sta. Maria, 1 sa Sto. Domingo at 37 naman sa Vigan City.
Iginiit ang pagsasagawa ng evacuation protocols lalo na sa mga lugar na malapit sa kailugan, at ang paglikas din ng mga residente na malapit o nasa bisinidad ng mga lugar na may active slope movement.
Pinaalalahanan ang mga residente na umantabay sa mga inilalabas na abiso mula sa kinauukulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









