207 LEGISLATIVE MEASURES, NAIPASA SA LOOB NG 100 ARAW NG DAGUPAN CITY

Binibigyang-diin ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan na “wala nang delay” sa Sangguniang Panlungsod matapos maitala ang 207 legislative measures na naipasa sa loob lamang ng 100 araw.

Sa ulat ng SP, kabilang sa mga naaprubahan ang 32 ordinances at 175 resolutions na nagmula sa serye ng regular at special sessions.

Ang mga ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang sektor tulad ng Fiscal and Administrative Governance, Health and Social Services, Education, Youth and Child Development, Environment, Agriculture, at Urban Resilience.

Ipinunto rin sa presentasyon na ang naturang output ay nagpapakita ng malaking pag-angat sa performance ng konseho, na tinatayang higit sa doble kumpara sa nakaraang termino na nakararanas umano noon ng mabagal na pag-usad ng mga panukala.

Samantala, iginiit bise alkalde ng lungsod na tuloy-tuloy at maayos na ang workflow ngayon ng konseho at walang nangyayaring delay sa pagtalakay ng mga panukalang isinusumite ng City Mayor’s Office.

Facebook Comments