208 reklamo ng katiwalian, naihain sa Task Force Against Corruption

Aabot na sa 208 reklamo ng katiwalian ang natatanggap ng Task Force Against Corruption.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na 148 lang sa mga ito ang aktwal na kaso ng kurapsyon, habang ang 69 ang na-evaluate o kasalukuyang ini-evaluate pa.

Naaksyunan na aniya ang 40 sa mga kaso na inirekomenda para sa karagdagang imbestigasyon o case build-up o kaya naman ay ini-refer sa ibang ahensya para sa komento.


Isinasangkot sa mga reklamo ang iba’t ibang national government agencies, ilang Government Owned or Controlled Corporation (GOCC), at malaking bilang ng Local Government Unit (LGU).

Ilan sa mga ipinaparatang sa mga reklamo ay mga paglabag sa Anti-Graft Law, Procurement Law, Commission on Audit rules, at Social Amelioration Programs.

Sabit din sa reklamo ang mga sangkot na public officials at pribadong indibidwal tulad ng overpricing, ghost projects, unfinished projects, kickbacks at commissions, panunuhol, extortion, smuggling, pekeng land titles at free patents, at ibang tiwali at iligal na gawain.

Facebook Comments