Bente pesos na bigas, mabibili na rin sa Guimaras

Sa ilalim ng “Benteng Bigas, Meron na!” program, maaaring makabili ng bigas sa halagang P20 kada kilo ang mga senior citizen, PWDs, solo parents, at indigent residents. Isinagawa ang distribusyon sa pamamagitan ng KADIWA ng Pangulo centers at mga partner LGU na katuwang ng Food Terminal Incorporated (FTI) sa subsidiya.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., malaki ang papel ng Guimaras sa pagpapalawak ng programang ito, na hindi lamang tumutulong sa mga nangangailangan kundi pati na rin sa mga magsasaka mula sa iba’t ibang rehiyon.

Bawat kwalipikadong benepisyaryo ay maaaring bumili ng hanggang 10 kilo ng bigas kada buwan.

Kumuha na ng initial order ang lalawigan ng 5,000 sako ng bigas mula sa FTI, na kukunin naman sa National Food Authority (NFA).

Layunin din ng programa na patatagin ang suplay ng pagkain at suportahan ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

Facebook Comments