20K HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA SA DRUG BUY-BUST SA UMINGAN

Umabot sa tinatayang ₱20,604 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Umingan, noong Linggo, Disyembre 21.

Ayon sa Umingan Police Station, labing-isang maliliit na pakete na naglalaman ng 3.03 gramo ng shabu ang narekober mula sa isang 25-anyos na lalaki, residente ng San Fabian, Pangasinan.

Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1, na nagresulta sa agarang pagkakaaresto ng suspek.

Bukod sa shabu, nasamsam din ang buy-bust money na ₱500, tatlong piraso ng boodle money na tig-₱500, at iba pang drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Facebook Comments