Ilalaan ang kalahati ng 40 milyong Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno sa mga kabataan na edad 12 hanggang 15.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa sandaling pinahintulutan na ng mga eksperto ang pagbabakuna sa mga bata, kaagad sisimulan ang vaccination sa mga ito.
Kumpiyansa naman si Galvez na makakamit ang 184 milyong dose ng bakuna bago matapos ang taon.
Nitong Linggo, lumagda na ang Pilipinas para sa 40 milyong suplay ng bakuna mula Pfizer.
Sa huling datos, mayroon nang 14,205,870 dose ang nakatanggap ng bansa mula sa Sinovac, Sputnik, Pfizer, at AstraZeneca.
Facebook Comments