21.2°C, NAITALANG PINAKAMABABANG TEMPERATURA SA PANGASINAN

Bumaba pa sa 21.2°C ang naitalang temperatura ang naranasan kahapon sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang kasalukuyang naitalang pinakamababang temperatura ng PAGASA Dagupan sa lalawigang ngayong Amihan Season 2024-2025.

Mas mababa ito kung ikukumpara sa 21.7 °C na naitala noong asingko ng Enero ngayong taon.

Patuloy pang nararanasan sa lalawigan ang malamig na panahon bunsod ng Hanging Amihan na siyang pangunahing weather system na umiiral sa probinsya.

Samantala, abiso ng Pangasinan PDRRMO sa mga Pangasinense na ugaliing magdala ng payong sa posibleng tsansa pa rin ng pag-uulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments