China – Trending sa social media ang nangyari sa isang 21-anyos na babae matapos mabulag ang kanang mata dahil sa walang tigil na paglalaro ng isang mobile game.
Habang naglalaro ng King of Glory si Wu sa kanyang smartphone ay napansin niyang wala na siyang makita, kaya naman sinubukan niyang matulog para makapagpahinga ang kanyang mata ngunit pagkagising niya ay tuluyan na siyang walang makita.
Ayon sa ophthalmologist ay mayroong retinal artery obstruction sa kanang mata si Wu, na madalas sa matatanda lamang nangyayari, dahil sa walang tigil na paglalaro araw-araw mula alas sais ng umaga hanggang alas dos ng madaling araw.
Kain at idlip lamang daw ang pahinga ng babae na nagresulta sa hindi inaaasahang malalang kondisyon.
Payo ng mga doktor ay 30 minutes hanggang isang oras lamang daw ang ligtas paggamit ng smartphone at computer.