Monday, March 16, 2026

21-ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA BUY-BUST; MAHIGIT ₱7K HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA SA BAYAMBANG

Arestado ang isang 21-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Bayambang, Pangasinan bandang 10:45 ng gabi noong Marso 15, 2026.

Sa ulat ng pulisya, nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng suspek na nahulihan ng tinatayang 1.05 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱7,140, na nakalagay sa tatlong pakete na ginagamit umano sa bentahan at pag-iingat ng iligal na droga.

Bukod dito, narekober din ang ilang non-drug evidence kabilang ang isang tunay na ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money at isang kahon ng posporo.

Isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa harap ng mga kinakailangang saksi alinsunod sa itinakda ng batas.

Ang suspek ay nakapiit na sa kustodiya ng pulisya at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments