21-anyos na Lalaki, Patay matapos Magbigti

364

Cauayan City, Isabela- Natagpuang wala nang buhay ang isang binata na hinihinalang nagpakamatay matapos makitang nakabitin ang katawan nito  loob ng kanilang bahay bandang 11:30 kagabi sa Brgy. Cadcadir East, Claveria, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si Meljohn Gagala, 21-anyos, at residente sa nasabing lugar.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Claveria Police Station, nagkaroon ng pag-uusap ang biktima at kanyang ina na isang OFW sa pamamagitan ng social media (messenger) batay sa nakitang palitan ng mensahe sa cellphone ng biktima.

Sinabi umano ng biktima sa kanyang in ana susundan nito ang kanyang ama subalit tumanggi ang ina sa gusto ng kanyang anak.

Batay sa huling pag-uusap ng mag-ina sa pamamgitan ng video call, ilang saglit pa ng ipaalam ng ina ng binata sa lolo nito na magpapakamatay ang kanyang anak kaya’t agad nagtungo ang lolo ng biktima sa kanilang tinutuluyang bahay  at tumambad ang binata na nakabiktin ang katawan gamit ang isang net cradle.

Idineklarang dead on arrival ang biktima ng sumuring doktor matapos isugod ng rumespondeng tauhan ng Rescue 41.

Facebook Comments