21 ANYOS NA STUDYANTE SA CAGAYAN, ARESTADO SA PAGTUTULAK NG DROGA

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang estudyante matapos mahulihan ng iligal na droga sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Barsabal St., Brgy. Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si Conrade James Alobba, 21 taong gulang, itinuturing na High Value Target ng PNP at PDEA, at residente ng Calimag St., Brgy. Cataggaman Nuevo.

Sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib-pwersa ng PDEA Cagayan PO at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), nabentahan ni Alobba ang isang poseur buyer ng apat (4) na piraso ng hinihinalang shabu.


Nakumpiska naman mula sa pag-iingat ng suspek ang pera na ginamit sa transaksyon, isang unit ng cellphone at isang itim na motorsiklo na ginagamit nito sa ilegal na transaksyon sa droga.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments