
17 high-powered at apat na low-powered firearms ang isinuko ng mga local government units (LGU) at lokal na kandidato mula sa anim na bayan ng Maguindanao del Sur sa 601st Infantry Brigade.
Ginawa ito kasabay ng Political Candidates’ Forum na ginanap kahapon sa Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan.
Ayon kay 601st Brigade Commander Col. Edgar Catu, ang mga armas ay mula sa mga local leader at kandidato sa Ampatuan, Datu Abdulla Sangki, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Datu Hoffer, at Shariff Aguak.
Sinabi ni Catu na ang hakbang na ito ay patunay ng kanilang pangako sa pagiging tapat sa layuning mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa darating na 2025 national and local elections pati na rin sa BARMM Parliamentary Elections.
Facebook Comments