Nasa dalawapu’t isang (21) bag ng basura ang kabuuang nakolekta sa bahagi ng Bonuan Tondaligan sa Dagupan City sa isinagawang coastal clean up sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources – Pangasinan Provincial Environmental and Natural Resources Office (DENR-PENRO).
May bigat na 5 kilograms ang pinagsama-samang basura na nakolekta ng mga miyembro ng komunidad at mga volunteers upang makibahagi sa paglilinis.
Ilan lamang sa mga nakolektang basura ay mga plastic cups, wrappers, styrofoam plates, plastic utensils, at mga bote na maaaring galing sa mga lokal na turista at iba pang bumibisita sa naturang beach.
Ayon sa DENR-PENRO, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ganitong inisyatibo ay patuloy na malilinisan ang coastline at maging pagbibigay ng kamalayan ukol sa kahalagahan ng pagprotekta at pagpapanatili sa natural na itsura ng kapaligiran.
Nagpaalala ang tanggapan na mayroong masamang epekto ang basura sa ecosystems. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









