Manila, Philippines – Aabot na sa 21 bayan sa Mindanao ang apektado ng dry spell.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakaapektado ng tagtuyot ang mga bayan sa Occidental Mindoro, Cotabato, Sultan Kudarat at Zamboanga City.
Idineklara na rin ang state of calamity sa mga bayan ng Alamada, Pikit, Aleosan at Zamboanga City.
Batay sa datus ng Department of Agriculture (DA), pumalo na sa higit P234 million ang danyos sa agrikultura sa Mimaropa at Soccsksargen.
Naglaan na rin ang DA ng P18.3 million para sa gagawing cloud seeding operations.
Ang Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ang nangangasiwa sa pagsasagawa ng cloud seeding.
Facebook Comments