Pasay City – Panibagong dalawamput isang Chinese nationals ang naaresto ng Bureau of Immigration dahil sa iligal na pagtatrabaho sa Pilipinas.
Ang naturang Chinese nationals ay naaresto ng immigration officers sa dalawang shopping malls sa Pasay City.
Ang pagkakadakip sa mga dayuhan ay kasunod ng pagtimbre ng impormante hinggil sa presensya ng mga Chinese na vendors na walang working visas.
Una na ring naaresto ng BI sa nasabing malls ang ilang Chinese illegal vendors.
Ang mga naarestong Chinese ay nakatakdang ipa-deport.
Facebook Comments