21 consultants ng National Democratic Front na hindi pa sumusuko sa awtoridad, hahantingin ng AFP

Manila, Philippines – Tiniyak ng AFP na hahantingin nila ang 21 consultant ng National Democratic Front (NDF) na hindi pa sumusuko sa awtoridad.

Ito’y matapos kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok na usaping pangkapayapaan sa rebeldeng grupo at bawiin ang ipinagkaloob na pansamantalang kalayaan.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo – hinihintay na lamang nila ang court order para arestuhin na ang mga consultant ng NDF.


Tiniyak ni Arevalo na nakahanda ang militar na hanapin ang mga ito katulad ng unang pagkakataon na naaresto ang mga kalaban ng estado.

Minomonitor nila ngayon ang galaw ng mga consultant para kapag may lumabas na court order ay madali nang madadampot ang mga ito.

Facebook Comments