
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na inirekomenda na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang case build-up sa 21 indibidwal na idinadawit sa maanomalya at palpak na flood control projects.
Batay sa listahan, kinabibilangan ito ng mga senador, kongresista, opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga district engineer.
Kasama rito sina Senador Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, dating Congresswoman Mitch Cajayon-Uy, dating DPWH Usec Roberto Bernardo, dating District Engineer Henry Alcantara, mga dating assistant DE na sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza at may-ari ng SYMS Construction na si Sally Santos.
Ayon sa DOJ, ang pagkakasama ng mga pangalan at rekomendasyon ng NBI ay ibinatay sa mga sinumpaang salaysay nina Alcantara, Hernandez, Mendoza at dating Usec. Bernardo.
Sakali aniyang may mga ibang pangalan na lumutang ay hindi pa ito kinikilala ng DOJ at NBI hangga’t hindi pa pinanunumpaan at sumasailalim sa tamang proseso.










