Bulacan, Philippines – Patay ang 21 drugs personalities sa sabay sabay na drugs operation ng Bulacan Police Provincial Office sa nakalipas na magdamag.
Sa ulat ni Bulacan Provincial Director Sr. Supt. Romeo Caramat Jr nasawi ang mga drug personalities sa pamamagitan ng ikinasang 24 na buy bust operation at sa inisyung dalawang search warrant laban sa mga ito.
Nagsimula aniya ang ikinasang drugs operation alas-7 ng gabi kagabi hanggang alas-7 ng umaga kanina.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina alyas Egoy at alyas Tom na nasawi sa operasyon ng Marilao Police Station.
Narekober sa mga ito ang isang 38 revolve at isang improvised shotgun at dalawang gramo ng shabu.
Sa Obando Police Station patay rin ang dalawang drug personalities na kinilala sa mga alyas Enan at Justin nakuha sa kanila ang isang kalibre 38 revolver at isang 9mm pistol at 50 gramo ng shabu.
Sa Pulilan Police station operation, isa ang nasawi na kinilala sa alyas Berth, nakuha sa kanya ang isang 38 revolver.
Sa Balagtas Police station operation isa rin ang nasawi na kinilala sa alyas Alvin nakuha sa kanya ang isang kalibre 38 baril at 3 gramo ng shabu.
Sa San Miguel Police. Station operation isa rin ang nasawi na kinilala sa alyas chris, nakuha sa kanya ang kalibre 38 revolver at 0.15 grams shabu.
Sa Plaridel Police station operation isa rin ang napatay kinilala sa alyas na Jerom.
Dalawa rin sa Guiginto Police Statio kinilala sa alyas Yayot at hindi pa natukoy ang pagkakalinlan ng isa.
Sa Norzagaray PS. Isa alyas allan tattoo, sa Norzagaray PS pa rin dalawa alyas Arnold at hindi pa kilala ang *isa.*
Sa Malolos City Police Station isa alyas Willy, sa Malolos pa rin isa alyas Jeffrey.
Sa San Jose del Monte City Police station isa alyas Elias, sa San Jose del Monte City Police Station operation din, isa alyas Eugene.
Dalawa patay sa operation ng Provincial public safety company.
Sa Sta. Maria Police station isa patay alyas Macoy, isa rin sa Baliwag Police Station si alyas Pogeng Manyak.
Sinabi naman ni PNP Spokesperson CSupt. Dionardo Carlos Agad na magsasagawa ng moto propio investigationa ng PNP laban sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon.