
Cauayan City – Dumating na ang karagdagang 21 magsasaka mula sa lalawigan ng Isabela South Korea kahapon, ika-27 ng Marso.
Ang pagpunta ng mga nabanggit na magsasaka sa South Korea ay upang makilahok sa Seasonal Work Program sa Jinan County, South Korea.
Ayon sa ulat mula sa Isabela Provincial Information Office, ang 21 magsasaka ay binubuo ng 16 na lalaki at 5 babae na sasabak sa Seasonal Agricultural Sector Development Program.
Ito ay bahagi ng nabuong partnership sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at Jinan County Agriculture Office sa South Korea..
Makakasama ng 21 magsasaka ang 12 pang farmers na mula rin sa Isabela na una ng dumating sa bansa, at kasalukuyang inaaral ang advance farming techniques and technology sa South Korea habang kumikita rin ng pera.
Samantala, nakatakda pang magdeploy ng karagdagang farmers sa bansa sa mga susunod na buwan upang sumailalim sa parehong programa.