21 foreign investors, nagpaparehistro na ng kanilang mga negosyo sa bansa

Nasa 21 na foreign investors ang kasalukuyang nasa proseso ng pagpaparehistro ng kanilang negosyo sa Pilipinas.

Ito ay kasunod ng mga naging biyahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa ibang bansa.

Ayon sa pangulo, ang naturang investors ay kabilang sa halos 200 proyekto na inaabangan ng Department of Trade and industry o DTI na katumbas ng ₱4 trillion.


Sa kasalukuyan, may walong negosyo na rin aniya ang nag-o-operate sa bansa.

Samantala, inaprubahan naman ang investment promotion agency na nagkakahalaga ng ₱1.7 trillion investment kung saan mabibigyan nito ng trabaho ang mga Pilipino.

Facebook Comments