Tuesday, January 20, 2026

21 indibidwal, naaresto dahil sa pagbebenta ng paputok online

Sa inilabas na tala ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group, aabot sa 21 indibidwal na ang naaresto ng ahensya dahil sa pagbebenta ng iligal na paputok online.

Ang nasabing tala ay mula sa 18 operasyon na isinagawa ng ahensya bago at ngayong on-going na Ligtas Paskuhan.

Nasa 3,460 na firecrackers ang nakumpiska ng ACG na tinatayang nagkakahalaga ng 170,200 pesos.

Hiwalay pa ito sa unang binanggit ni PNP Spokesperson BGen. Randulf Tuaño na nasa 23 indibidwal na naaresto dahil naman sa illegal possession, pagbebenta at paggamit ng paputok.

Ayon kay PNP-ACG Director, PBGen. Wilson Asueta, patuloy ang isinasagawang cyberpatrolling ng ahensya para mahuli ang mga nagbebenta nito online.

Facebook Comments