Monday, February 9, 2026

21 KANDIDATA NG MISS HUNDRED ISLANDS 2026, PORMAL NANG IPINAKILALA

Pormal nang ipinakilala ang 21 kandidata ng Miss Hundred Islands 2026 – North Central Luzon matapos silang ilunsad sa ginanap na flag-raising ceremony sa Don Leopoldo Sison Convention Center sa Alaminos City, na dinaluhan ng mga kawani ng pamahalaang lungsod at mga national government agencies na nakabase sa lungsod.

Sa nasabing okasyon, isinagawa ang sashing ng mga kandidata na kumakatawan sa kani-kanilang mga bayan at lungsod sa North Central Luzon, bilang hudyat ng kanilang opisyal na paglahok sa patimpalak.

Ang Miss Hundred Islands ay itinuturing na isang plataporma hindi lamang ng kagandahan kundi pati ng kultura, turismo, at adbokasiya ng mga lokal na pamahalaan sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments