21 kandidato sa BSKE, diniskwalipika ng Comelec dahil sa premature campaigning

Diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ang 21 kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) dahil sa premature campaigning.

Ayon sa Comelec, sa naturang bilang, 17 sa kanila ay hindi na maaaring umapela sa kanilang kaso dahil final at executory na ang desisyon ng poll body.

Nasa 11 ang natalong kandidato habang 10 ang nanalo sa nagdaang halalan.


Mayorya rin sa mga nadiskwalipika ay tumakbo sa pagka-SK kagawad.

Samantala, sinabi naman ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, na ang Commission en banc na ang magdedesisyon kung sino ang papalit sa posisyon ng nadiskwalipikang opisyal.

Facebook Comments