21 katao, patay habang 6,000, inilikas dahil sa pagbaha sa China

Aabot sa 21 katao ang patay habang 6,000 naman ang inilikas matapos ang malawakang pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan sa Hubei, China.

Ayon sa otoridad, higit 3,600 na kabahayan at 8,110 na hektarya ng pananim ang napinsala ng malakas na pagbuhos ng ulan sa limang bayan sa Hubei.

Nabatid ding 774 na reservoir ang nagpakawala ng tubig dahil sa umabot na sa flood warning level nitong Huwebes.


Nagbabala naman ang China Meteorological Administration na magpapatuloy pa rin ang pag-ulan hanggang sa mga susunod na araw habang binabantayan naman ang Yangtze river na posibleng umapaw at magdulot din ng pagbaha.

Facebook Comments