Manila, Philippines – Aabot sa 21 milyong deboto ang aasahan ng Philippine National Police na makikiisa sa Traslacion 2019 sa Miyerkules (January 9).
Kaya naman ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, handa na sila sa mga inilatag na seguridad at nagsagawa na sila ng final coordination sa ibat ibat government organization katulad ng NDRRMC, DOH, DPWH, at MMD.
Pinapayuhan naman ni Albayalde ang publiko na walang importanteng lakad sa Luneta hanggang Quiapo area na ipagpaliban na muna ang kanilang lakad upang hindi maabala sa gagawing Traslacion.
Naka-full alert na aniya ngayon ang NCRPO na magdedeploy ng 7,200 na mga pulis para public saety at law enforcement duties.
Tutulong naman ang AFP sa pagbibigay ng seguridad sa pamamagitan ng kanilang mga sundalo mula sa Joint Task Force NCR.
Target ng PNP ang zero casualty kaya panawagan nito sa mga sasama sa traslacion na sundin ang ipinatutupad na patakaran upang maging patapa ito.
Samantala, mahigpit naman ipatutupad ng PNP ang liquor ban simula alas 7:00 ng gabi bukas hanggang sa matapos ang traslacion 2019.
Ang mahuhuling lasing ay tiyak na aarestuhin ng PNP.