Inilatag na ng Department of Health (DoH) ang listahan ng mga ospital at centers sa Ilocos Region na bukas para sa Dengue Fast Lane.
Nasa 21 ang mga ito na kinabibilangan ng Gov. Doque B. Ablan Memorial Hospital, Dasol Community Hospital, Tolentino Clinic and Hospital, Ace Medical Center Pangasinan, Pangasinan Provincial Hospital, Umingan Community Hospital, Del Carmen Medical Clinic and Hospital Inc., Mapandam CH, Sual Primary Care Facility Infirmary, Ilocos Sur District Hospital- Sinait, Western Pangasinan District Hospital, Eastern Pangasinan DH, Ilocos Training and Regional Medical Center, Bayambang DH, VQR Foundation for Medical and Community Dev’t Inc., Nazareth General Hospital, Pozorrubio CH, San Fernando City Health Office, Bolinao CH, Luzon Medical Center at Mangatarem DH.
Ang Dengue Fast Lane ay activated na upang mas mapalakas ang pagtugon sa kaso ng dengue sa pamamagitan ng pagbibigay ng agaran at nararapat na medikal na interbensyon.
Patuloy naman na pinag-iigting ng DOH Ilocos ang kampanya kontra dengue. Samantala, sa datos ng ahensya, umabot na sa mahigit walong daan ang bilang ng kaso ng dengue sa Rehiyon Uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









