21 PAARALAN SA CAGAYAN, NAAPEKTUHAN NG PAGBAHA

Cauayan City – Naapektuhan ng nararanasang pagbaha dulot ng bagyo ang 21 paaralan sa lalawigan ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos ng Schools Division Office Cagayan kahapon, ika-25 ng Oktubre dahil sa mga pag-ulan dulot ni bagyong “Kristine” ay mabilis na tumaas ang lebel ng tubig ay naapektuhan ang mga paaralan.

Maliban dito, 28 mga paaralan pa ang pinasok ng tubig-ulan habang kasagsagan ang bagyo.


Sa ngayon ay nakaalerto pa rin ang Schools Disaster Risk Reduction and Management Office sa upang bantayan ang iba pang mga paaralan na posibleng maabot pa ng baha.

Samantala, 20 paaralan naman mula sa iba’t-ibang bayan sa Cagayan ang nagsisilbing evacuation centers ng mga residenteng naapektuhan ng bagyo.

Sa kasalukuyan, 807 na public schools at 108 private schools ang nananatiling suspendido ang klase dahil pa rin sa aftermath ng bagyo, subalit nasisiguro naman na lahat ng importanteng gamit sa mga eskwelahang nabaha ay nasa ligtas na lugar.

Facebook Comments