21 personalidad na sangkot sa game fixing sa MPBL, kinasuhan ng NBI sa DOJ

2095

Manila, Philippines – Sinampahan ng National Bureau of Investigation o NBI sa Department of Justine o DOJ ng patung-patong na kaso ang 21 personalidad na sangkot sa game fixing sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ayon sa NBI, kabilang sa mga kinasuhan ang tatlong Chinese nationals at isang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na sinasabing sangkot na rin noon sa kaparehong scheme.


Inihayag ng NBI na sa ilalim ng game fixing scheme, kinokontrol ng game fixers ang takbo ng laro dahil dito pumapasok ang pustahan.

Kabilang daw sa pustahan ang score ng kada quarter ng laro maging ang ending nito at ang final score.

Dahil dito, 17 kasong paglabag sa betting, multiple counts ng games fixing and points shaving na nasa ilalim ng Section 1 at 3 ng Presidential Decree 483 as amended by PD 1602 ang kinahaharap ng mga suspek.

Kabilang sa mga respondents Sina:

  1. Mr. Sung
  2. Kevin Espinosa
  3. Kein
  4. Emma
  5. Sonny Uy
  6. Serafin Matias
  7. EJ Avila
  8. Nino Dionisio
  9. Ferdinand Melocoton
  10. Nice Ilagan
  11. Jake Diwa
  12. Exequiel Biteng
  13. Jerome Juanico
  14. Matthew Bernabe
  15. Julio Magbanua Jr
  16. Abraham Santos
  17. John Patric Rabe
  18. Ryab Regalado
  19. Janus Lozada
  20. Joshua Alcober
  21. Ricky Morillo
Facebook Comments

From Advertisers