21 Pinoy seafarers na nasagip sa panibagong pag-atake ng Houthi Rebels sa Red Sea, nakatakdang bumalik sa Pilipinas ngayong Lunes – DMW

Kinumpirma ng Presidential Communications Office na nakatakdang dumating sa Pilipinas bukas ng hapon, Lunes ang 21 Pinoy seafarers na nasagip mula sa pag-atake ng mga Houthi rebel sa Liberian-flagged ship na MV Tutor sa Red Sea.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Migrant Workers (DMW), inaasahang babyahe pabalik ng bansa ang mga seafearer ngayong gabi na sasamahan ni DMW Labor Attaché Hector Cruz.

Samantala, isang Pilipino pa ang nananatili sa nasabing barko at patuloy na hinahanap ng mga tauhan ng kagawaran.


Nitong Miyerkules naganap ang pag-atake ng mga rebelde sa MV Tutor.

Facebook Comments