21 PLANTASYON NG MARIJUANA SA ILOCOS SUR, SINALAKAY NG AWTORIDAD; HIGIT 13M PISONG HALAGA NG KONTRABANDO, WINASAK

Binuwag at sinunog ng awtoridad ang mga natuklasang plantasyon ng marijuana sa bulubunduking bahagi ng Sugpon, Ilocos Sur.

Tinatayang nagkakahalaga ng nasa 13,086,400 pesos ang nadiskubreng marijuana sa lugar.

Mula ito sa limang araw na isinagawang operasyon sa Brgy. Licungan kung saan nadiskubre, binunot at sinunog ang 21 na plantasyon na mayroong 52,910 fully grown marijuana plants, at higit-kumulang 62,610 marijuana seedlings.

Patuloy ang maigting na pagbabantay at pagpuksa ng hanay ng pulisya para masawata ang ilegal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments