21 sa 22 Pinoy na sakay ng barkong tinamaan ng missile ng Houthi, na-rescue na

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Cacdac na na-rescue na ang 21 sa 22 Filipino seafarers na sakay ng barkong tinamaan ng missile ng Houthi rebels.

Ayon kay Cacdac, ligtas ang 21 Pinoy at walang nasaktan sa kanila sa missile attack.

Gayunman, nananatili aniyang nawawala ang isang Pinoy crew ng MV Tutor.


Tiniyak naman ni Cacdad na hindi titigil ang pamahalaan hangga’t hindi nakikita ang nawawalang Pinoy seafarer.

Aniya, patuloy nilang tututukan ang sitwasyon maging ang mga nailigtas na Pinoy crew.

Facebook Comments