21 state leaders, inaasahan sa dadalo sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni ASEAN National Organizing Committee Director General Ambassador Marciano Paynor na 21 state leaders at ang Secretary General ng United Nations ang inaasahan na dadalo sa gaganaping ASEAN summit sa susunod na buwan.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Paynor na sa ito sa ngayon ang kanilang bilang na hawak dahil wala pang indikasyon na mayroong state leader na hindi makadadalo sa nasabing summit.

Sinabi din nito na mayroon nang nakapilang bilateral meeting si Pangulong Duterte sa darating na summit pero hindi pa aniya niya maaaring sabihin kung sino ang makakapulong ng Pangulo.


Sa ngayon aniya ay nasa 4 o 5 bilateral meeting ang nakapila kay Pangulong Duterte.

Matatandaan na sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na inaayos na ang bilateral meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Donald Trump pero hindi pa batid kung dito sa Pilipinas o sa Vietnam ito gaganapin.

Facebook Comments