Nakitaan ng pagkukulang ng Commission on Audit (COA) ang 21 State Universities and Colleges (SUCs) dahil sa implementasyon ng ilang proyekto at programa na nagkakahalaga ng P1.67 billion.
Ayon sa COA, batay sa consolidated 2020 annual financial report ay hindi nakamit ng mga nasabing unibersidad ang pagbuo ng mga programa.
Ilang sa mga ito ay ang; Polytechnic University of the Philippines (PUP) dahil sa mababang paggamit special trust fund, Bicol University dahil sa very low accomplishment rate at ang West Visayas State University dahil sa hindi nagamit na P4.607 million pondo.
Ang mga unibersidad na naman na mayroong poor performance sa licensure examinations ay ang;
• Bulacan Agricultural State College
• Bataan Peninsula State University
• Benguet State University
• Don Honorio Ventura State University sa Pampanga
• Nueva Ecija University of Science and Technology
• Philippine Merchant Marine Academy
• at ang President Ramon Magsaysay State University sa Zambales.