21, Sugatan Sa Pagpapasabog Ng Isang Bus Sa Jerusalem

5

JERUSALEM, ISRAEL – Umakyat na sa 21 ang sugatan sa nasunog na bus sa Moshe Baram Street, South Jerusalem.Ayon kay Israel Police Spokesperson Micky Rosenfeld, may naganap munang pagsabog sa loob ng bus bago ito nasunog.Walang laman na pasahero ang nasabing bus at ang mga nasugatan ay mula sa bus na katabi nito.Sa inisyal na imbestigasyon na terror attack ang naganap na pagpapasabog pero iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang iba pang anggulo ng insidente.

Facebook Comments