Kasunod ng pag-lift ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang lugar sa Luzon maliban sa NCR, Region 3, Region 4A at mga lalawigang mataas parin ang kaso ng COVID-19
Inanunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na maaari na muling magback to work ang mga kababayan nating pasok ang kanilang lugar o lalawigan sa General Community Quarantine (GCQ).
Maliban na lamang sa mga bata na may edad 20 pababa, senior citizens o 60 yrs & above at yung mayruon ng pre-existing condition o karamdaman.
Dahil dito hindi parin pwedeng lumabas ng kanilang mga tahanan at hindi papayagang makapag mall para bumili ng basic needs ang mga nabanggit na sector.
Tanging ang mga nasa edad 21 to 59 yrs old lamang ang papayagang mag mall sa kondisyong mayruon silang ID, Wala silang sakit, magkakaroon din ng mandatory temperature check, mandatory use of face mask at alcohol at magiging limitado lamang ang bilang ng mga tao sa mall.
Para maiwasan din ang pagtambay sa Mall ipapako sa 26° ang aircon temperature at tatanggalin ang free wifi nang sa ganun kapag nabili na nila ang mga kakailanganin ay maaari na silang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan.