21 tripulanteng pinoy na nailigtas mula sa pagbomba ng Houthi rebels sa Red Sea, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang 21 tripulanteng Pinoy na nakaligtas mula sa pagbomba ng Houthi rebels sa sinasakyang MV Tutor Vessel sa Red Sea.

Lulan ng Gulf Air flight GF154 mula Manama, Bahrain ang 21 tripulante at lumapag sa bansa bandang 11:10 kaninang umaga.

Mainit naman silang tinggap o sinalubong ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pangunguna ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Ngayong tanghali ay nakatakdang humarap ang mga tripulante sa isang panayam na pangungunahan ng DMW upang magbigay linaw sa naranasang insidente sa barko.

Nauna nang sinalubong ng mga tauhan mula sa Embahada ng Pilipinas ang seaferers sa daungan ng Manama sa Bahrain matapos mailigtas sa nangyaring insidente kung saan sila ay hinatid ng barko ng US Navy.

Kaugnay nito ay mas pinaigting pa ng DMW at pamahalaan ang paghahanap sa isa pang nawawalang seafer.

Facebook Comments