CAUAYAN CITY – Nakatanggap ng tig-iisang “kulong-kulong” ang bawat barangay sa bayan ng Allacapan, Cagayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng naturang bayan, ang mga naibahaging motorsiklo ay upang magamit ng mga tanod sa pagpapatrolya at masiguro ang kaayusan at katahimikan sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, mas mapapadali na rin umanong mapuntahan ang mga liblib na lugar sa kanilang barangay upang magsagawa ng pag-iikot para mapanatili ang peace and order.
21 units ng nasabing sasakyan ang unang naibigay sa nasabing bayan at nagkakahalaga ito ng mahigit P1-M sa ilalim ng general fund mula sa tanggapan ng alkalde.
Facebook Comments