Dinagdagan pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pwersa na gagamitin para sa Undas.
Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, mula sa inisyal na mahigit 18,000 itinaas na nila sa 21,000 ang deployment ng mga pulis.
Ipakakalat ang mga ito sa sementeryo, pampublikong mga lugar, terminal, paliparan, at pantalan para sa pagtitiyak ng seguridad.
Sa kabila nang pagdaragdag ng pwersa, nilinaw ni Fajardo na wala naman silang banta na namo-monitor para sa Undas.
Samantala, sinabi pa ni Fajardo na simula kahapon ay naka-heightened alert na ang Pambansang Pulisya.
Nangangahulugan ito ng 75% na deployment ng kanilang pwersa ngayong Undas 2024.
Facebook Comments