2,103 mula sa 7,685 o 27.36% na bar examinees ang nakapasa sa 2019 Bar Exam.
Ito ay matapos na magdesisyon ang Supreme Court En Banc na gawing 74% ang passing grade.
Nanguna sa naturang pagsusulit ang isang babaeng bar examinee mula sa UST Legaspi, Albay na si Mae Diane Azores na nakakuha ng 91.0490%.
Ang resulta ng 2019 Bar Exam ay maaaring makita sa Supreme Court website.
Ang naturang pagsusulit ay ginawa sa apat na linggo noong November 2019.
Facebook Comments