2,106 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,106 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Dahil dito, umakyat pa sa 16, 577 ang active cases o mga patuloy na nagpapagaling sa sakit.

Nasa 2,033 naman ang bagong naka-recover sa virus habang walang naitalang bagong nasawi.


Batay naman sa datos ng OCTA, bahagyang tumaas sa 26 percent ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region noong May 17.

Gayundin ang nationwide positivity rate na nasa 24.3 percent na mula sa 24.1 percent na naitala noong May 18.

Samantala, posibleng umabot sa 2,000 hanggang 2,200 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Facebook Comments