Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 214 na indibidwal ang kinapitan ng COVID-19 na naitala sa probinsya ng Isabela sa loob lamang ng isang araw.
Sa inilabas na impormasyon ng *Regional Epidemiology* and Surveillance Unit (RESU) as of 8:am ngayong araw, Marso 28, 2021; pumalo na sa 7,279 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa probinsya matapos madagdagan ng 214 panibagong kaso.
Mula sa naitalang panibagong kaso, ang walumpu’t tatlo (83) ay naitala sa bayan ng Roxas; tatlumpu’t apat (34) sa Lungsod ng Santiago; tatlumpu’t tatlo (33) sa Jones; dalawampu (20) sa Mallig; labing tatlo (13) sa San Isidro; siyam (9) sa City of Ilagan; tig-dadalawa (2) sa mga bayan ng Burgos, Cabatuan, Naguilian, Quezon, San Agustin, San Manuel at Cauayan City; at tig-iisa (1) sa mga bayan ng Angadanan, Benito Soliven, Cordon, Echague, Gamu, Sta. Maria, Sto. Tomas at Tumauini.
Mayroon namang 98 na bagong gumaling na nagdadala ngayon sa kabuuang bilang na 6,165.
Kaugnay nito, tumaas muli sa 976 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya at nasa 138 na ang bilang ng nasawi.
Pinakamarami sa bilang ng aktibong kaso ang Local Transmission na may 817 na sinundan ng mga Health Workers na may 129; dalawampu’t isang mga pulis at siyam (9) na Locally Stranded Individuals (LSIs).