215 na Police Personnel, Magbabantay sa CAVRAA 2018

189

Tuguegarao City, Cagayan- All system go na ang security set-up para sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CaVRAA) Meet 2018.

Ito ang ipinahayag ni PNP Tuguegarao Chief of Police PSupt Edward Guzman sa panayam ng RMN Cauayan News.


Ang CAVRAA 2018 ay pormal na magbubukas sa Pebrero 23 at magtatapos sa Marso 1, 2018.

Ang magiging pangunahing bisita sa Grand Opening ay si Senador Manny pacquiao na tanyag sa buong mundo sa larangan ng professional boxing.

Ayon kay COP Guzman, nakadeploy na ang mga kasapi ng PNP sa araw na ito, Pebrero 18, 2018 para sa inaasahang pagdating ng lahat ng delegado mula sa ibat ibang probinsiya at siyudad nf Cagayan Valley bukas, Pebrero 19, 2018.

Ayon sa kanya, todo bantay ang kanilang gagawin sa mga billeting at mga sports events venues. At bukod sa mga regular na makikitang nakadeploy sa mga importanteng lugar ng CaVRAA ay may naka-abang din na Quick Reaction Team na kabahagi ng kanilang paghahanda sa anumang hindi inaasahan.




Sa kabuuan ay 215 ang bilang ng PNP na titiyak sa seguridad ng pangrehiyonal na palaro.

Todo naman ang kanyang pasalamat sa pamunuan ng PNP Cagayan at PNP Region 2 dahil sa maaga nilang pagpapadala ng augmentation force sa PNP Tuguegarao.

May mga ipinaskil din silang mga pabatid sa mga numerong puedeng tawagan para sa anumang ayuda na kanilang maibibigay bilang punong abala sa seguridad ng CaVRAA 2018.

Facebook Comments