Bakunado na rin ng unang dose ng COVID-19 vaccine ang mga empleyado ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Quezon City.
Umaabot sa 216 na mga empleyado ang unang nabakunahan ng Sinovac sa ilalim ng pangangasiwa ng Quezon City (QC) Health Department.
Ang mga medical worker ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang siyang nag-administer sa pagbabakuna bilang pagkilala sa ambag na serbisyo ng mga kawani ng Department of Science and Technology o DOST-Phivolcs sa pagbibigay impormasyon kaugnay sa lindol at pagputok ng mga bulkan.
Naghihintay na uli ang bagong batch ng mga empleyado ng Phivolcs kung kailan ang susunod na schedule.
Pero tiniyak ng QC Health Department, sa lalong madaling panahon ay agad silang magdadagdag ng mga babakunahan sakaling may dumating na bagong suplay.