219 BARANGAY SA ILOCOS REGION, DRUG-AFFECTED PA RIN – PDEA

Ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Agosto 26, 219 sa 3,267 barangay sa Ilocos Region o katumbas ng 6.7% ang nananatiling apektado ng ilegal na droga.

Pinakamarami ang apektado sa Pangasinan at Ilocos Sur (tig-75 barangay), sinundan ng Ilocos Norte (49) at La Union (20). Ipinatupad ang drug clearing sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno at mga LGU.

Patuloy ang kampanya ng PDEA sa pamamagitan ng operasyon kontra-droga, information drive, at programang drug-free workplace. Ang mga gumagamit ng droga ay isinasailalim sa rehabilitasyon habang ang mga nagtutulak ay tinutulungan sa Balay Silangan sa pamamagitan ng livelihood training.

Mula Enero hanggang Agosto 26, nagsagawa ang PDEA ng 942 operasyon na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 839 katao at pagkakakumpiska ng P5.8 bilyong halaga ng shabu at marijuana. Bukod dito, may 1,178 pakete ng shabu ang isinuko ng ilang mangingisda.

Ang mga nakumpiskang droga ay sinunog na para sa kaligtasan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments